January 03, 2025

Home SHOWBIZ Events

DongYan, nag-renewal of vows sa 10th year wedding anniversary nila

DongYan, nag-renewal of vows sa 10th year wedding anniversary nila
Photo courtesy: Dingdong Dantes (IG)

Nagsagawa ng renewal of vows ang mag-asawang Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang 10th wedding anniversary.

Isinagawa ang intimate wedding ceremony ng kanilang kasal, sa mismong simbahan kung saan sila unang nangako sa isa't isa na magsasama habambuhay.

Naganap ito ngayong Lunes, Disyembre 30, sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.

Sa pagkakataong ito, kasama na nila ang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes.

Events

MMDA, pinabulaanang sa Pasig gaganapin parada ng 2nd Summer MMFF

Sa kani-kanilang Instagram posts ay makikita ang photoshoot nila sa Dubai para sa anibersaryo ng dekada ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

May kani-kaniyang sweet posts din ang mag-asawa para sa isa't isa.

"It has been a meaningful 10-year journey for us. Today, we honor those who have stood by us, prayed for us, and guided us to where we are now. As we step into the next chapters, we carry with us a stronger spirit, with His blessings forever at the center of it all," sey ni Dingdong.

"Walking down the aisle with our kids today, celebrating 10 beautiful years together. Love, GOD and family forever! #DongYan ," saad naman ni Marian.

Matatandaang nagkakilala sina Marian at Dingdong matapos nilang magtambal sa Pinoy remake ng sikat na Mexican telenovela na "Marimar."

Ito ang nagsimula rin ng pag-usbong nang bongga ng career ni Marian, na nagluklok sa kaniya ngayon bilang Kapuso Primetime Queen.