Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Dinagat Islands dakong 6:07 ng gabi nitong Lunes, Disyembre 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 4 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagdianao, Dinagat Islands, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.