January 02, 2025

Home BALITA National

5.6-magnitude na lindol, yumanig sa Ilocos Norte; aftershocks, asahan

5.6-magnitude na lindol, yumanig sa Ilocos Norte; aftershocks, asahan
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 5.6 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Ilocos Norte nitong Lunes ng umaga, Disyembre 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:56 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 48 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Burgos, Ilocos Norte, na may lalim na 15 kilometro.

Itinaas ang Intensity V sa Sinait at Cabugao, ILOCOS SUR; maging sa Sarrat, IlOCOS NORTE, habang Intensity IV sa Claveria, CAGAYAN; Tubo, ABRA.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Naiulat din ang Intensity III sa Lacub, ABRA at Intensity II sa Aparri at Lasam, CAGAYAN.

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V - San Nicholas, ILOCOS NORTE

Intensity IV - Sinait and City of Vigan, ILOCOS SUR

Intensity III - Gonzaga, CAGAYAN

Intensity II - Penablanca, CAGAYAN; Bangued, ABRA; Bontoc, MOUNTAIN PROVINCE

Intensity I - Candon at Narvacan, ILOCOS SUR

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din daw na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.