January 01, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ready na maging daddy? David Licauco, pinilahan ng mga bet maging mommy

Ready na maging daddy? David Licauco, pinilahan ng mga bet maging mommy
Photo courtesy: David Licauco (FB)

Kinakiligan ng mga netizen ang Facebook post ng Kapuso star at tinaguriang "Pambansang Ginoo" na si David Licauco matapos niyang ibahagi ang ilang mga larawan kasama ang isang baby girl.

Batay sa kaniyang caption, nagbiro si David na mukhang handa na raw siyang magkaroon ng sarili niyang baby.

"Ready na ata ako ," aniya sa caption.

Mukhang ang nabanggit na baby girl ay pamangkin ng Kapuso star.

Tsika at Intriga

Sino si Mark Ian Garcia at bakit siya trending sa X?

Kinilig naman ang "kiffy" ng mga netizen at sinabi nilang willing silang maging mommy ng magiging baby ni David.

"So cute naman maging daddy ni david maalaga siya sa kanyang baby"

"Puwede po mag-apply as mommy?"

"Oki. Uwi kana lang, wait kita."

"Pwede ako maging INA? "

"Ready na rin ako Alagaan ka my love David Licauco"

"Maghanap ka muna ginoo ng aanakan mo."

"Umuwi kana asawa ko gagawa na tayong anak HAHAHA"

"Ready na din ako"

"Babe yung anak natin wag mo masyado ilusong baka sipunin"

"Wait lang, di pa ako ready"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si David tungkol sa mga "pumipila" sa kaniya.