January 01, 2025

Home BALITA Metro

LRT-2, MRT-3 magbibigay ng libreng sakay sa Rizal Day

LRT-2, MRT-3 magbibigay ng libreng sakay sa Rizal Day
Photo Courtesy: via MB

Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa darating na Lunes, Disyembre 30.

Sa X post ng Department Of Transportation (DOTr) nitong Linggo, Disyembre 29, sinabi nilang isa umano itong paraan ng pakikiisa nila sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.

“Bilang pakikiisa sa paggunita ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, may libreng sakay ang LRT-2 at MRT-3 bukas, 30 December 2024,” saad ng DOTr.

Dagdag pa nila, “Libre ang pamasahe sa dalawang train lines mula 7:00am hanggang 9:00am, at mula 5:00pm hanggang 7:00pm.”

Metro

5 menor de edad na magpipinsan, patay sa sunog

Matatandaang ang nabanggit na araw ay naunang idineklara ni dating pangulong Emilio Aguinaldo noong 1898 bilang paggunita sa kamatayan ni Rizal na binaril noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta o Rizal Park.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal