Nagbigay ng paglilinaw si Metro Manila Film Festival spokesperson Noel Ferrer matapos mapasama ang batikang aktres na si Eugene Domingo sa umano’y listahan ng namayapang showbiz personalities.
MAKI-BALITA: Eugene Domingo, tinegi raw sa MMFF Gabi ng Parangal
Sa Facebook post ni Noel nitong Sabado, Disyembre 27, sinabi niyang hindi raw in memoriam ang ginawang tribute number nina Mark Bautista, Arman Ferrer, Robert Seña, at John Arcilla.
“SANA MAN LANG NA APPRECIATE NA ANG HUHUSAY NG MGA NAGPERFORM KAGABI,” saad ni Noel.
“Just to clarify - the number of @armanfferrer @iammarkbautista Robert Sena & @johnarcilla was a tribute number to MMFF Icons through the 50 years… hindi po in memoriam,” dugtong pa niya.
Matatandaang isinagawa ang naturang tribute number sa ginanap na 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal noong Biyernes, Disyembre 27, sa Solaire Resort, Parañaque City.
MAKI-BALITA: Eugene Domingo, tinegi raw sa MMFF Gabi ng Parangal