December 29, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie matapos ang Gabi ng Parangal: 'Nanalong Best Picture pero hindi ang director nito?'

Ogie matapos ang Gabi ng Parangal: 'Nanalong Best Picture pero hindi ang director nito?'
Photo Courtesy: Ogie Diaz, MMFF (FB)

Tila nagbigay ng reaksiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa resulta ng 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Sa Facebook MyDay ni Ogie noong Biyernes, Disyembre 27, kinuwestiyon niya ang tila hindi tugmang resulta ng “Best Picture” at “Best Director.”

“Nanalong Best Picture, pero hindi ang director nito? Paano kayo nasarapan sa kare-kare, pero ‘yong nagluto ng kaldereta ang pinuri n’yo?” saad ni Ogie.

Matatandaang tagumpay na naiuwi ng “Green Bones” ang “Best Picture” sa katatapos lang na Gabi ng Parangal. 

Tsika at Intriga

Ready na maging daddy? David Licauco, pinilahan ng mga bet maging mommy

Ngunit bigo ang direktor nitong si Zig Dulay na masungkit ang “Best Director,” na parehong nakuha nina Michael Tuviera ng “The Kingdom” at Crisanto Aquino “My Future You.”

MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

Samantala, sa isang pahayag na inilabas ni MMFF spokesperson Noel Ferrer, tiniyak niyang dumaan sa masusing proseso ng pagpili ang mga artista at pelikulang nagwagi.

MAKI-BALITA: Noel Ferrer, itinangging cooking show ang 2024 MMFF Gabi ng Parangal