Tila magbabakasyon muna ang “Hold Me Close” director na si Jason Paul Laxamana matapos ang 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Sa Instagram stories ni Laxama nitong Sabado, Disyembre 28, makikita ang serye ng mga larawan ng kaniyang paglalakbay papuntang Taiwan.
“Bye muna. See you sa 2025,” saad ni Laxamana sa text caption ng isang IG story.
Sabi pa niya, “will landed in Taiwan in 2 hours.”
Matatandaang isa ang “Hold Me Close” sa sampung lahok na pelikula sa 2024 MMFF na pinagbidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino.
Ngunit bigo itong nakasungkit ng anomang parangal mula sa ginanap na awarding ceremony sa Solaire Resort, Parañaque City noong Biyernes, Disyembre 27.
MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal