Nausisa ang Kapuso actress na si Arra San Agustin hinggil sa naging ugnayan nila ng dati niyang co-host na si Paolo Contis sa defunct noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.”
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Disyembre 26, mariing itinanggi ni Arra na nagkaroon sila nito ng relasyon.
“No, hard no,” sabi ni Arra. “Nag-start po kasi ‘yan sa ‘Tahanang Pinakamasaya.’ So, mayro’n po kaming skit do’n, ‘TP Happy’ ‘yong tawag po.”
“So skit siya, nasa stage,” pagpapatuloy pa niya. “Love triangle kami. Ako, si Kuya Pao, at si Kuya Betong. ‘Yong mga tao, they caught out pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles, like mga headlines, na ako raw ang third party.”
Kaya para matuldukan na ang naturang espekulasyon, sinabi ni Arra na isa raw itong “fake news.”
“I don’t know why karamihan sa mga tao, naniniwala. Which is also dangerous with social media because ang daming fake news, ang daming disinformation. Parang we can easily be manipulated or gaslighted by a single headline lang na hindi pala totoo,” dugtong pa niya.
Matatandaang nauna nang sinabi ni Paolo sa panayam din kay Boy noong Nobyembre 2023 na ang mga kumalat na video nila ni Arra ay “maliciously edited.”
MAKI-BALITA: Paolo Contis, nagsalita na tungkol sa kanila ni Arra