Naghayag ng paghanga si Kapamilya star Anne Curtis sa bagong pelikula ng “It’s Showtime” co-host niyang si Vice Ganda matapos niya itong mapanood.
Sa isang Instagram post ni Anne noong Huwebes, Disyembre 26, sinabi niya na isa umanong “brillant film” ang “And The Breadwinner Is…”
“And the Breadwinner is.... A beautiful film of the struggles of a family when it comes to making life better one day, week, month, year at time,” saad ni Anne.
“You can expect the light heartedness just how any Filipino family pushes through each hardship - with a smile on their face but it doesn't romanticize being a breadwinner, as it shows the toll it takes of being one,” dugtong pa niya.
Kaya naman, proud daw si Anne sa sisterette niyang si Vice sa ipinamalas nito sa pelikula.
Aniya, “Given na yung comedic timing but that one scene was delivered with so much sincerity which had me bawling my eyes out. “
Sa huli, binati ni Anne ang mga nasa likod ng naturang pelikula. Hinikayat din niya ang mga madlang people na panoorin ito sa mga sinehan.
Matatandaang ang “And The Breadwinner Is…” ay kabilang sa mga lahok sa 2024 Metro Manila Film Festival. At sa unang araw nito ay na-sold out daw agad ang ticket ng pelikula sa maraming sinehan sa bansa.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan