Inamin ng anak ni Kapuso comedienne Pokwang na si Mae Subong na nagalit daw siya sa ginawa ng ex-partner ng kaniyang nanay na si Lee O’Brian.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Mae na nangako raw si Lee na hindi raw nito sasaktan si Pokwang.
“I told him na ingatan mo ang mama ko. Kasi for 21 years, kaming dalawa lang. Wala kaming ibang kasama sa buhay. Ang gusto ko lang, ingatan niya si mama at huwag niyang sasaktan,” saad ni Mae.
“Siyempre, Tito Boy, umoo siya na iingatan niya si Mama. Mamahalin niya ‘yong mama ko. So, ‘yon ‘yong pinanghawakan ko, Tito Boy. But at the end, he broke his promise,” wika niya.
Dagdag pa ni Mae, hindi na raw siya nagkaroon pa ng pagkakataong komprontahin si Lee para sabihin sa huling binali nito ang pangako.
“Parang hindi na rin with it na ipamukha pa sa kaniya na ‘you broke your promise.’ The whole world already know,” aniya.
Matatandaang naghain ng deportation case si Pokwang laban sa kaniyang dating partner noon pang Hunyo 2023. Tuluyang na-deport sa Pilipinas si Lee noong Abril 2024 ayon sa Bureau of Immigration (BI).
MAKI-BALITA: Pokwang, wagi: Lee O' Brian, na-deport na