Inamin ni Mae Subong na gusto raw siyang palayasin ng ex-partner ng nanay niyang si Pokwang matapos matuklasang buntis siya nang hindi kasal.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Pokwang na hindi raw siya nagalit sa naging kapalaran ng anak kahit hindi natuloy ang pagtatrabaho nito sa New York.
Ayon sa kaniya, “Lagi kong sinasabi maka-graduate ka lang masaya na ako. Sinunod naman niya ako kahit masakit sa likod ‘yong tuition fee niya.”
“Hindi naman siya naging pasaway na bata. Hindi naman siya naging sakit sa ulo na anak. Kaya no’ng malaman ko na she’s pregnant—ay!—I’m so, so happy. Hindi ako nagalit. Hindi ko siya sinumbatan.” dugtong pa ni Pokwang.
Pero hindi raw ito nagustuhan ng ex-partner ni Pokwang kaya gusto nitong palayasin si Mae.
Lahad ni Mae, “Gusto po akong palayasin ng ex niya sa house cause I got pregnant without getting married.”
“Saka between me and him, parang mas ako ‘yong may karapatang nasa bahay. Hindi siya, kung tutuusin,” dagdag pa niya.
Matatandaang naghain ng deportation case si Pokwang laban sa kaniyang dating partner noon pang Hunyo 2023. Tuluyang na-deport sa Pilipinas si Lee O’Brian noong Abril 2024 ayon sa Bureau of Immigration (BI).
MAKI-BALITA: Pokwang, wagi: Lee O' Brian, na-deport na