January 27, 2025

Home BALITA National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69
Photo courtesy: Juan Carlo de Vela/MANILA BULLETIN

Iniulat ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 69 ang naitala nilang fireworks-related injuries (FWRI) sa bansa matapos ang pagdiriwang ng Pasko.

Sa inilabas na datos ng DOH nitong Huwebes, nabatid na nakapagtala pa sila ng 26 bagong kaso ng biktima ng paputok nitong Pasko, na mas mababa o kalahati ng 52 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang Pasko.

Ayon sa DOH, ang naturang kabuuang kaso ay kanilang naitala mula noong Disyembre 22 hanggang 6:00AM ng Disyembre 26, base sa ulat ng kanilang 62 sentinel sites.

Nabatid na 58 sa mga biktima ay nagkakaedad lamang ng 19-taong gulang pababa habang ang 11 naman ay nagkakaedad ng 20-taong gulang pataas.

National

Manuel, naalarma sa epekto ng paglaganap ng Pornhub sa kabataan

Sa 65 na mga biktima ay mga lalaki habang apat naman ay mga babae.

Anang DOH, nasa 51 naman sa kanila o 74% ng mga FWRI cases ay pawang active users ng paputok.

Iniulat rin ng DOH na 59 o 86% ng total cases na nasangkot sa pagpapaputok ay gumamit ng mga ilegal na paputok, gaya ng boga.

Kaugnay nito, muli ring nanawagan ang DOH sa publiko, partikular na sa mga bata na huwag gumamit ng paputok upang makaiwas sa disgrasya.