December 27, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chito Miranda bumati sa Pasko, flinex misis na si Neri at mga anak

Chito Miranda bumati sa Pasko, flinex misis na si Neri at mga anak
Photo courtesy: Chito Miranda (IG)

Nagpaabot ng pagbati ng Maligayang Pasko sa lahat at pasasalamat sa Diyos si "Parokya ni Edgar" lead vocalist Chito Miranda na mababasa sa kaniyang Instagram post noong Martes, Disyembre 24.

Nagpasalamat si Chito sa Diyos dahil hindi raw sila pinabayaan, lalo na sa mga pinagdaanan nila sa mga nagdaang araw.

"Merry Christmas mula sa Miranda Family. Maraming, maraming salamat, Lord, for always taking care of us.," mababasa sa post ni Chito.

"Thank You po kasi never Nyo kami pinabayaan."

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

"Sobrang ramdam namin yung pagmamahal Mo sa amin through the people You have chosen to surround us with."

"Pinakita Mo sa amin na inaalagaan Mo talaga kami sa pamamagitan ng aming mga pamilya, mga kaibigan, at lahat ng mga taong nagmamahal sa amin."

"Sila po talaga ang Pinakamahalagang regalo Mo sa pamilya namin, Lord."

"...and for them, we thank You."

"Maligayang, maligayang Pasko sa inyong lahat."

Kalakip ng post ang mga larawan nilang mag-anak, kabilang na ang kaniyang misis na si Neri Naig-Miranda, na pansamantalang nakapagpiyansa mula sa pagkakadetine, kaugnay ng mga kasong kinahaharap niya.

Matatandaang noong Nobyembre ay dinakip ng mga awtoridad si Neri dahil sa 14 counts ng paglabag sa securities regulations at syndicated estafa, kaugnay ng isang beauty clinic na ineendorso niya raw na may kasama umanong paghimok para sa investments.

Matapos namang payagan ng korte ang motion to quash na inihain ng kaniyang legal team kaugnay ng arrest warrant sa kaniya ay tuluyang nakalaya ang "wais na misis" pansamantala.

MAKI-BALITA: Neri Naig, pinalaya ng korte —lawyer