Tila muling pinatunayan ni “Unkabogable Queen” Vice Ganda na hindi siya magpapakabog sa big screen matapos niyang ibahagi ang ilang larawan na sold-out na umano ang kaniyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “And The Breadwinner Is,” sa unang araw ng showing nito ngayong Miyerkules, Disyembre 25, 2024.
Sa kaniyang opisyal na Facebook account, nagpaabot ng pasasalamat si Vice sa mga mabilis na sumuporta sa naturang pelikula.
“SOLD OUT na sa ibang cinemas! Maraming maraming zenkyooow sa lahat ng sumusuporta sa #AndTheBreadwinnerIs! Magiging MEMErriest ang Pasko niyo dito,” ani Vice.
Kabilang umano sa mga sinehang mabilis na nagkaubusan ang ticket para sa And The Breadwinner ay ang: SM Aura Premier, SM Mall of Asia, SM Sorsogon, SM Grand Central, SM San Jose Del Monte, Robinsons Antipolo at SM Legazpi.
Kabilang ang “And The Breadwinner Is” sa mga sampung opisyal na entry ng MMFF ngayong taon para sa ika-50 anibersaryo ng naturang film festival. Mapapanood ang lahat ng MMFF entries mula ngayong araw Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2025.