December 25, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual

Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual

Tinupad ng R&B singer na si Denise Julia ang kaniyang pangakong ikaklaro niya ang isang hindi tinukoy na isyu sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25. 

Sa pamamagitan ng mga serye ng Instagram stories ay ipinaliwanag ni Denise ang kaniyang side of story sa naging expose ng celebrity photographer na si BJ Pascual hinggil sa biglang pag-atras ng kaniyang team sa napagkasunduan nilang photoshoot. 

Isiniwalat ni BJ sa podcast ni Killa Kush noong Biyernes, Disyembre 20, 2024, ang pangalan ni Denise Julia matapos siyang matanong kung sino ang "worst celebrity/model to shoot" batay sa kaniyang karanasan. Batay kasi sa kuwento ni BJ ay nag-last minute cancellation ang team ni Denise sa kanilang nakatakdang photoshoot para sa cover photo ng ilalabas na album ng singer.

Tumanggi raw ang kampo ng singer nang singilin nila dahil sa pagkansela ng proyekto, lalo't planado na ang lahat.

Tsika at Intriga

#BALITAnaw: Social media influencers na naging pasabog ngayong 2024

Mabuti na lamang daw at to the rescue si Sarah Lahbati, matapos makumbinsi ni BJ na siya na lang ang mag-shoot, dahil matagal na raw sana nilang plano, kaya lang ay hindi swak ang mga schedule nila. Pumayag din si Sarah na mag-split na lang sila ni BJ sa bayad, para nang sa gayon ay mairaos na lang nila ito.

"So si Sarah Lahbati has been wanting to shoot pero never kami nagkaroon ng time to shoot together. So I called her, 'Busy ka ba tomorrow?' and she's like, 'I have meeting with my lawyer, bakit anong ganap?' Sabi ko, 'Do you wanna mag-shoot?' and I told her the story and yeah she's going to split na lang with me 'yong costs."

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati, 'ganda points' sa pagsalo sa photoshoot na dinedma ni Denise Julia

Naisipan ni BJ na tawagan si Sarah dahil nahihiya sa mga taong naabala.

"Nahihiya kasi ako sa mga taong naabala. 'Yong bayad na 'yon pa-thank you na lang sa kanila kasi for the time and effort. Everyone wanted you to look good and for that to happen sayang 'yong effort, Pero at least may nagawa pa rin kami."

Ang mas nakasasama pa raw ng loob, hindi man lang daw nag-sorry ang kampo ni Denise Julia tungkol dito.

Matapos mag-trending ang pangalan sa social media platform na X ay nag-anunsyo si Denise na magso-social media break muna. 

MAKI-BALITA: Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Pero sa isang X post noong Disyembre 23 ay sinabi ni Denise na magpo-pause muna siya saglit sa socmed break para magbigay nga ng pagkaklaro, na bagama't hindi tinukoy, ay mahihinuhang patungkol sa isyung pinakawalan ni BJ laban sa kaniya.

"dec 25th on my ig stories! paused on the socmed break. i have to clear this up. :)," aniya. 

MAKI-BALITA: Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko

At hindi nga nagpaawat ang singer kahit na marami ang nambash sa kaniya na aagawan pa ng spotlight

Narito ang screenshots ng pasabog ni Denise Julia sa kaniyang Instagram stories magmula sa Day 1 ng kanilang negosasyon ng kampo ni BJ. 

Photo courtesy: Denise Julia (IG)
Photo courtesy: Denise Julia (IG)
Photo courtesy: Denise Julia (IG)

Ibinahagi rin ni Denise na nagpadala siya ng mensahe kay BJ, pinakinggan ang kontrobersiyal na podcast, at humingi ng apology sa kaniya. 

Photo courtesy: Denise Julia (IG)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni BJ tungkol dito.