December 26, 2024

Home BALITA National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon
Photo courtesy: DOH/Facebook and Pexels

Patuloy na nadaragdagan ang datos ng Department of Health (DOH) ng bilang ng mga nasasangkot sa firecracker-related injuries. 

Batay sa ulat ng DOH nitong Miyerkules, Disyembre 25, 2024, pumalo na sa 43 ang mga nasugutan dahil umano sa mga ipinagbabawal na paputok ilang araw bago ang Salubong 2025.

Inihayag din ng ahensya na mula sa kabuuang bilang ng mga naputukan, karamihan sa mga ito ay nasa edad 19 taong gulang pababa. Tinatayang 39 naman sa kanila ay lalaki at apat ang babae.

Giit ng DOH pawang mga Boga, 5-Star at Piccolo raw ang pangunahing mga paputok ang dahilan ng fireworks related injuries. Bunsod nito muling hinimok ng ahensya ang publiko na gumamit na lamang daw ng ligtas na mga paingay para sa darating na Bagong Taon. Gayundin ang pagbabantay daw sa mga bata upang maiwasang gumamit ng paputok.

National

196 na PDL, masayang nakapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko

“Gumamit ng mga alternatibong pampaingay katulad ng torotot, kaldero, o mag karaoke kasama ang pamilya at mga kaibigan. Bantayan ang mga anak at ibang kabataan na iwasan ang paggamit ng paputok,” anang ahensya.

BASAHIN: Pagbabawal sa paggamit ng mga paputok sa residential areas, muling ipinaalala ng PNP