December 25, 2024

Home FEATURES BALITAnaw

#BALITAnaw: Hiwalayan ng mga celebrity couple na nagpayanig sa 2024

#BALITAnaw: Hiwalayan ng mga celebrity couple na nagpayanig sa 2024
Photo Courtesy: Rico Blanco, ABS-CBN, Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas, Javi Benitez, Nice Print Photo via Priscilla Meirelles, Sarah Lahbati (IG), Bea Alonzo (FB), Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Sa loob ng isang taon, may 12 buwan. Sa loob ng isang buwan, may hanggang 31 araw. Maraming puwedeng mangyari sa pagi-pagitan nito. 

May nabubuong pag-iibigan, at may nasisira din. Kaya bago matapos ang 2024, balikan muna ang mga natapos na relasyon sa showbiz industry sa naturang taon.

1. Jericho Rosales at Kim Jones (Enero)

Kung ang Enero ay ang simula ng taon, ito naman ang ganap na katapusan ng relasyon ng mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones matapos maisapubliko ang kanilang hiwalayan.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ayon kay Ricco Ocampo, tumatayong ninong ng celebrity couple, 2019 pa raw hiwalay sina Jericho at Kim bagama’t nanatili raw ang pagkakaibigan ng dalawa.

MAKI-BALITA: Matapos ang 10 taong pagsasama: Jericho Rosales, Kim Jones hiwalay na!

Matatandaang bago pumasok ang 2024 ay umugong ang balitang hiwalay na sina Jericho at Kim dahil sa blind item na naiulat sa showbiz-oriented vlog ni Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: ‘Da hu?’ Gwapong aktor, hiwalay na sa magandang misis?

Pero pinagdudahan na rin ng madla ang estado ng kanilang marriage noong tumawa at umiwas si Jericho imbes na sagutin ang tanong ng Philippine Entertainment Portal o PEP tungkol dito.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales, Kim Jones, split na rin? Intriga, tinawanan lang ng aktor

Sa kasalukuyan, ka-dating stage ni Jericho ang “Lavander Fields” co-star niyang si Janine Gutierrez.

2. Bea Alonzo at Dominic Roque (Pebrero)

Tila unexpected para sa marami ang breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Paano ba naman kasi, ang relasyong sa simbahan sana ang tuloy, sa hiwalayan nauwi.

Hulyo 2023 nang mag-propose si Dominic kay Bea. Pero bago pa man ito, nabanggit na ni Bea sa isang panayam na madalas na raw nilang pag-usapan ang kasal.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo at Dominic Roque, engaged na!

MAKI-BALITA: Bea Alonzo at Dominic Roque, madalas nang pinag-uusapan ang ‘pagpapakasal’

Ilang buwan makalipas ang kanilang engagement, tila lumabo nang lumabo ang patutunungan ng kanilang relasyon. Nagsimula ito noong usisain si Bea tungkol sa wedding preparation nila ni Dominic at walang malinaw na naisagot ang aktres.

Hanggang sa dumating ang kalagitaan ng Pebrero. Tuluyang kinumpirma nina Dominic at Bea sa pamamagitan ng joint statement sa Instagram na hiwalay na nga silang dalawa at wala nang kasalan pang magaganap.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

Ilang buwan makalipas ang nangyaring hiwalayan, kinumpirma ni Dominic na nagde-date na raw sila ni Sue Ramirez.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, Sue Ramirez nasa dating stage na!

3. Sam Milby at Catriona Gray  (Pebrero)

Gaya nina Bea at Dom, engaged na rin ang celebrity couple na sina Sam Milby at Catriona Gray at hindi rin naging maganda ang direksyon ng kanilang relasyon.

Nagsimulang umugong ang balita na hiwalay na umano sina Catriona at Sam nang mapansin ng mga netizen na may mga pagkakataon daw na hindi suot ng beauty queen ang kaniyang engagement ring.

Lalo pang lumakas ang kanilang kutob nang talakayin sa showbiz-oriented vlog ni Ogie Diaz ang nasabing balita nang bulungan siya ng kaniyang source tungkol sa real score ng dalawa. 

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw

At noong Pebrero 28, naglabas ng pahayag ang talent management agency nina Sam at Catriona para sabihin sa publiko na may pinagdadaanang pagsubok ang kanilang inaalagang artists.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together,” pahayag ng Cornerstone.

Dagdag pa nila, “We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”

MAKI-BALITA: Cornerstone Management, nagsalita na sa isyu ng Catriona-Sam break-up

Bagama’t wala pa mang kumpirmasyon hanggang ngayon, patuloy na ipinagpapalagay ng mga netizen na hiwalay na talaga sina Catriona at Sam lalo na nang ibahagi ng Cornerstone Entertainment ang larawan kung saan makikitang nasa loob ng eroplano ang dalawa ngunit hindi magkatabi sa upuan.

MAKI-BALITA: Netizens, may napansin: Sam at Catriona, 'di magkatabi ng upuan sa eroplano?

4. Richard Gutierrez at Sarah Lahbati (Pebrero)

Huling bahagi pa lang ng 2023, matunog na ang tsikang hiwalay na ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. 

Nagsimula ito nang mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa mga ibinahagi nilang larawan sa kani-kanilang Instagram account noong Nobyembre 4.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Lalo pang lumakas ang alingasngas na hiwalayan na sina Richard at Sarah noong sunod-sunod na nagbigay ng pahayag ang biyenan ng huli na tila isang pahiwatig na may lamat na ang relasyon ng mag-asawa.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

At noon ngang Pebrero 28, kinumpirma ni Sarah sa eksklusibong panayam ng One News na wala na sila ni Richard.

MAKI-BALITA: Sarah, kinumpirmang wala nang komunikasyon kay Richard

5. Kris Aquino at Mark Leviste (Hunyo)

Kabilang ang relasyon nina Queen of All Media Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste sa mga iniintrigang hiwalay na noon pang 2023.

Pero noong Hunyo 2024 lang nagsalita si Kris tungkol dito nang kapanayamin siya ni showbiz insider Ogie Diaz sa Amerika.

Ayon sa Queen of All Media, tapos na raw ang kung anomang namagitan sa kanila ni Mark. Kasunod nito ang pag-amin niyang may bago na raw siyang karelasyon.

“Nasabi ni Bimb kanina na may bago ka nang love life,” paniniyak ni Ogie.

“Yes,” pagkumpirma ni Kris. “Hindi naman love life. It just flowed. Nangyari. And he’s a doctor.”

Gayunpaman, nilinaw ni Kris na hindi niya raw pinagsabay si Mark at ang tinutukoy na doktor. At lalong hindi daw ang huli ang dahilan kung bakit sila hindi naging okay ng vice governor.

MAKI-BALITA: Bimby, 'di bet isang ex ni Kris?

MAKI-BALITA: Kris Aquino, may karelasyong doktor sa Pilipinas

6. John Estrada at Priscilla Meirelles (Hulyo)

Isa rin ang aktor na si John Estrada sa mga naging matunog ang pangalan pagdating sa isyu ng hiwalayan dahil sa umano’y bagong babae sa buhay nito.

Nagbahagi kasi si John ng larawan noong Hulyo na kuha sa isang resort sa Boracay na pinagbabakasyunan niya. Makikita roon na solo lamang siya ngunit palaisipan kung sino ang pumitik ng litrato.

Kaya isang netizen ang nagtangkang magtanong kung sino ang kasama nito sa isang resort. Ikinagulat naman ng marami ang pagsagot ng misis ng aktor na si Priscilla Meirelles sa mismong komento.

"Si @Lily Hallman_ (emoji),"  saad ni Priscilla.

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

Dahil dito, tila napilitang magsalita ni John sa pamamagitan ng Instagram story para linawing pansamantala silang naghiwalay ni Priscilla at pabulaanang babae umano niya si Lily.

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Binuweltahan naman ito ni Priscilla sa pamamagitan din ng IG story para sabihing nagulat at nasaktan daw siya sa isiniwalat nitong mutual agreement umano ang kanilang "separation."

MAKI-BALITA: Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila

7. Rico Blanco at Maris Racal (Hulyo)

Tila nawindang ang publiko sa rebelasyon ni Maris Racal tungkol sa status ng relasyon nila ng singer-composer na si Rico Blanco sa isang ginanap na press conference noong Hulyo 12.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Inanunsiyo kasi niya na wala na raw sila ni Rico. Ayon sa kaniya, hindi raw niya alam kung anong nangyari sa sarili gayong pareho lang naman daw sila ni Rico na nasa iisang “pahina” sa loob ng limang taon.

MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?

Gayunman, agad din namang nilinaw ni Maris na hindi umano sangkot ang kasalukuyan niyang ka-love team na si Anthony Jennings sa paghihiwalay nila ng singer-composer.

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris

8. Javi Benitez at Sue Ramirez (Nobyembre)

Halos limang taon din ang itinagal ng relasyon nina Victorias City Mayor Javi Benitez at Kapamilya actress Sue Ramirez bago nila ito tuluyang winakasan.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez kay Javi Benitez: ‘I’m a lucky one!'

MAKI-BALITA: Javi Benitez nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?

Pero Oktubre pa lang, nabuo na ang hinalang hiwalay na sina Javi at Sue matapos nilang mapag-usapan sa showbiz-oriented vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Updates.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?

Sa kasalukyan, nasa dating stage na sina Sue at Dominic.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, Sue Ramirez nasa dating stage na!

9. Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan (Nobyembre)

Kung susumahin, mag-iisang dekada nang nagsasama sina Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan. Ikinasal sila noong 2017 sa Christ the King Parish Church sa Quezon City.

Pero gaya ng ilang relasyon—gaano man ito katagal—nauwi rin ito kalaunan sa isang masakit at mapait na hiwalayan.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Nobyembre 11, kinumpirma ni Ai Ai wala na sila ni Gerald at ibinahagi rin niya ang dahilan kung bakit sila humantong puntong iyon ng kanilang relasyon.

“Hiwalay na kami. Last month pa. Basta hindi ko makakalimutan. October 14, nag-chat siya, madaling araw sa Pilipinas. 'Yon nga. Sinabi niya na gusto niya magkaanak at hindi na siya happy," lahad ni Ai Ai.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, inamin ni Ai Ai na may kutob daw siyang may ibang babae ang kaniyang dating mister.

“Ako, ramdam ko mayro’n. Gut feel,” sabi ng komedyante. “Pero it doesn’t matter naman kung mayro’n o wala na. Kasi no’ng sinabi niya na firm na siya sa [kaniyang] decision, wala na naman akong ilalaban ‘di ba?”

Matatandaang minsan na ring lumutang ang tsikang hiwalay na sina Ai Ai at Gerald noong Pebrero 2024. Pero sinupla raw agad ito ng Kapuso comedy queen, ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

MAKI-BALITA: Ai Ai delas Alas, naimbyerna; hindi raw susunod sa nauusong hiwalayan

10. Anthony Jennings at Jam Villanueva (Nobyembre)

Isa na siguro ito sa maituturing na pinaka-kontrobersiyal at pinakapinag-usapang hiwalayan ng 2024. Matapos kasing kumpirmahin ng aktor na si Anthony Jennings ang matagal nang bulung-bulungan na hiwalay na sila ng non-showbiz girlfriend nitong si Jam Villanueva, isang pasabog ang isiniwalat ng huli na tila nakapagpapayanig sa buong Pilipinas.

MAKI-BALITA: Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?

MAKI-BALITA: Anthony umaming hiwalay na sa jowa, may iginiit tungkol kay Maris

Sa pamamagitan ng mga screenshots ng convo ni Anthony at ng ka-loveteam nitong si Maris Racal na ibinahagi ni Jam sa kaniyang Instagram story, lumalabas na tila nagtaksil ang dalawa sa kani-kanilang real-life partner.

MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

Ilang araw makalipas pumutok ang nasabing isyu, naglabas ng kani-kanilang pahayag sina Maris at Anthony para humingi ng tawad sa nangyari.

“Today I will take the accountability for everything. Nagkamali ako and I want to say sorry for everything that I have done,” saad ni Maris.

MAKI-BALITA: Maris Racal, aminado sa ginawang pagkakamali: 'I'm lonely and getting attention from Anthony'

Sabi naman ni Anthony, “Sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko especially sina Maris at Jam, humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae. And sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. ‘Yon lamang po, sorry po ulit.”

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris

Ikaw, ka-Balita, saang hiwalayan ka higit na nasaktan?