December 27, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jennylyn nag-renew daw bilang Kapuso, pero bakit walang bonggang contract signing event?

Jennylyn nag-renew daw bilang Kapuso, pero bakit walang bonggang contract signing event?
Photo courtesy: Jennylyn Mercado (IG)/GMA Network (FB)

Nabanggit daw ni Kapuso star Jennylyn Mercado sa naganap na premiere night ng pelikulang "Green Bones" noong Disyembre 20, na pinagbibidahan ng mister na si Dennis Trillo, na pinirmahan na niya ang renewal ng kontrata sa GMA Network.

Iniulat ito ng Fashion Pulis at batay naman sa isang X post na "Chakapuso Renegade."

Isa sa maituturing na home-grown talents at A-list stars ng Kapuso Network si Jen, na nagsimulang sumikat sa artista-search reality show na "StarStruck" season 1.

Simula nang manalo bilang Ultimate Survivor ay nagtuloy-tuloy na ang karera ni Jennylyn at isa na ngayon sa mga reyna ng Kapuso Network.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Kaya malaking isyu sa kaniyang fans ang hindi pa raw niya pagre-renew ng exclusive contract sa home network, lalo't nagkaroon ng tsikang baka lumundag na siya sa ABS-CBN.

Dahil nga dito ay umusbong ang isyu kay Dennis nang sarkastiko niyang tanungin ang isang netizen na "May ABS pa ba?" nang uriratin nito kung bakit wala sa Christmas station ID ang asawa noong Hulyo.

Sa recent interview ni Bianca Gonzalez kay Dennis, muli niyang nilinaw na hindi siya ang nagkomento nang ganoon sa netizen matapos ang hacking incident sa kaniyang TikTok account.

Going back kay Jen, kung totoo raw na nag-renew na siya sa Kapuso Network, ang sunod na tanong ng netizens, bakit daw walang bonggang contract signing event at media conference, kagaya ng ginagawa ng mga estasyon sa bigating stars na nagre-renew.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"deserved nya ng bonggang contract signing"

"Ha? Bakit walang pa-event?"

"Secret ba ang pag renew nya ng contract? Bakit yung iba bongga?"

"Naaawa Naman Ako Kay Jen, sya na talaga ang nagaannounce, Wala pacoverage or statement man lang from GMA. nakalimutan na at ng GMA na lahat ng series and movies ni Jen ay talaga namang tumatak at blockbuster hits."

Pero ilang netizens din ang nagsabing baka raw sa 2025 ganapin ang contract signing event at mediacon, "for formality purposes."

Ang mahalaga raw kasi ay mananatiling Kapuso si Jen at looking forward na sila alinmang proyektong gagawin nito sa 2025. 

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang kampo ni Jennylyn tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.