December 25, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko

Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko
Photo courtesy: Denise Julia (IG)

Umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang X posts ng kontrobersiyal na R&B singer na si Denise Julia kaugnay sa isyung kinasasangkutan, matapos isiwalat ng celebrity photographer na si BJ Pascual ang napurnada nilang photoshoot matapos nilang umatras dito.

Dahil nga rito, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story, sinabi ni Denise na magpapaalam na muna siya sa social media para mag-detox.

"aaand that's officially my last post for the year. socmed break starts now. detoxing from the digital world. apps deleted, focus restored. will be back next year! i love you guys," aniya.

MAKI-BALITA: Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Tsika at Intriga

Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual

Isiniwalat ni BJ sa podcast ni Killa Kush noong Biyernes, Disyembre 20, 2024, ang pangalan ni Denise Julia matapos siyang matanong kung sino ang "worst celebrity/model to shoot" batay sa kaniyang karanasan. Batay kasi sa kuwento ni BJ ay nag-last minute cancellation ang team ni Denise sa kanilang nakatakdang photoshoot para sa cover photo ng ilalabas na album ng singer.

Tumanggi raw ang kampo ng singer nang singilin nila dahil sa pagkansela ng proyekto, lalo't planado na ang lahat.

Mabuti na lamang daw at to the rescue si Sarah Lahbati, matapos makumbinsi ni BJ na siya na lang ang mag-shoot, dahil matagal na raw sana nilang plano, kaya lang ay hindi swak ang mga schedule nila. Pumayag din si Sarah na mag-split na lang sila ni BJ sa bayad, para nang sa gayon ay mairaos na lang nila ito.

Ang mas nakasasama pa raw ng loob, hindi man lang daw nag-sorry ang kampo ni Denise Julia tungkol dito.

Sa kaniyang latest X posts kamakailan, sinabi ni Denise na may kailangan daw siyang i-address bago ipagpatuloy ang kaniyang socmed break.

Bagama't walang binanggit kung talaga bang sa isyu patungkol kay BJ ang ikaklaro niya, marami sa mga netizen ang nagsabing tungkol nga sa intriga ang babasagin ni Denise. Gagawin daw niya sa Disyembre 25, sa pamamagitan ng Instagram stories, sa araw mismo ng Pasko.

"dec 25th on my ig stories! paused on the socmed break. i have to clear this up. :)," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Denise Julia (X)

Umani naman ito ng reaksiyon at komento sa netizens.

"te araw ni lord yun aagawan mo pa spotlight"

"Tama nga naman. Isang araw na nga lang sa isang taon. "

"Aagawan mo pa ng moment si Jesus Christ beh???"

"May point sa dec 26 na lng"

"Queen of making people wait! Thats a baddie "

"The tea is brewing."

"The plot is thickening"

"Clearing things up with a holiday twist I see"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Julia tungkol sa mga suhestyon ng netizens na ipagpaliban na muna ang pag-spill niya sa tea niya.