Kung ang Kapamilya actress na si Maris Racal ay piniling umakyat ng bundok kasama ang mga kaibigan, usap-usapan naman ang isang TikTok video kung saan makikitang tila nasa isang party ang kaniyang katambal na si Anthony Jennings, kasama ang cast ng action series na "Incognito."
Makikita sa mga kumakalat na TikTok video ang masayang-masayang si Anthony habang nagsasayaw kasama sina Richard Gutierrez, Kaila Estrada, at Daniel Padilla.
Matatandaang sa pagpasok ng Disyembre ay isiniwalat ng ex-girlfriend ng kaniyang katambal na si Anthony Jennings, na si Jam Villanueva, ang screenshots ng sweet private conversation ng dalawa.
Dahil dito ay umani ng katakot-takot na bash sina Maris at Anthony, na dumating pa sa puntong nag-pull out ang ilang brands kay Maris bilang endorser nila.
Nag-deactivate din si Maris ng kaniyang Facebook account upang marahil ay makaiwas sa pambabash at harsh comments.
Hindi rin pinasama ang MaThon sa media conference, promotions, at ilang posters ng pelikulang "And The Breadwinner Is..." ni Unkabogable Star Vice Ganda, na kalahok sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Makalipas ang ilang araw ay humingi ng paumanhin sa publiko sina Maris at Anthony nang magkahiwalay.
Umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento ang mga video ni Anthony habang nagsasaya.
"pro si Anthony oh! pra wla lng nangyari, sya dapat mag behave.. "
"si mariz na trauma, si jennings nag-party party na, pagtanggol nyo pa. halos di lumabas si maris itong isa parang wala lang what a waste pinagaksayahn ni maris ng time."
"si Maris nah self reflect, Umakyat ng bundok para mag isip, for her peace of mind, Si Jam na depressed/na trauma. ending si Boy, nag party tapos mga fans nya, masaya pa "
"Kanto boy kasi yang Jennings wala paki yan.At kita naman sa SS playing safe Siya.Si Maris kawawa Babae pa tapos siya pa nag initiate based sa SS."
"Tama. The key is to act normal. Na parang walang nagyare. Makakalimutan din nila yan."
Samantala, malapit nang mapanood ang Incognito sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa 2025.
MAKI-BALITA: Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony