Ibinahagi ng ABS-CBN news anchor na si Karen Davila sa kaniyang Instagram post ang isang larawan kasama ng pamilya Laude, habang nasa isang Christmas gathering sila.
"CHRISTMAS REUNION Our Botswana Gang of 3 families - 16 of us back together!! So wonderful the kids got to catch-up… missing Nessie! Til our next adventure ," mababasa sa caption ni Karen.
"Love you guys! Blessed Christmas "
Makikita sa mga larawan na magkasama sa reunion ang mag-asawang Small at Philip Laude gayundin ang apat nilang anak.
Bukod sa kanila, makikita ring kasama nila ang dating senador at ngayo'y kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Sonny Angara.
Nakapagkomento pa si Small sa post na "So happy to see you all! Excited for the next adventure!"
Batay sa mga larawan, tila "unbothered" ang mag-asawa sa mga kumalat na isyu kamakailan kung saan isiniwalat ng umano'y mistress ni Philip na si "Precious Larra Su" ang affair nila ng businessman.
MAKI-BALITA: Hagip sa vlog! Umano’y mistress ni Philip Laude, nakahalubilo na noon pa ng misis na si Small?
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Philip Laude tungkol sa isyu.