December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sarah Lahbati, 'ganda points' sa pagsalo sa photoshoot na dinedma ni Denise Julia

Sarah Lahbati, 'ganda points' sa pagsalo sa photoshoot na dinedma ni Denise Julia
Photo courtesy: Denise Laurel, BJ Pascual, Sarah Lahbati (IG)

Pinupuri ng mga netizen ang aktres na si Sarah Lahbati matapos lumutang at mabanggit ang pangalan niya ng renowned celebrity photographer na si BJ Pascual, na siyang sumalo sa napurnadang photoshoot niya sana sa R&B singer na si Denise Julia.

Isiniwalat ni BJ sa podcast ni Killa Kush noong Biyernes, Disyembre 20, 2024, ang pangalan ni Denise Julia matapos siyang matanong kung sino ang "worst celebrity/model to shoot" batay sa kaniyang karanasan. Batay kasi sa kuwento ni BJ ay nag-last minute cancellation ang team ni Denise sa kanilang nakatakdang photoshoot para sa cover photo ng ilalabas na album ng singer.

Tumanggi raw ang kampo ng singer nang singilin nila dahil sa pagkansela ng proyekto, lalo't planado na ang lahat.

Mabuti na lamang daw at to the rescue si Sarah Lahbati, matapos makumbinsi ni BJ na siya na lang ang mag-shoot, dahil matagal na raw sana nilang plano, kaya lang ay hindi swak ang mga schedule nila. Pumayag din si Sarah na mag-split na lang sila ni BJ sa bayad, para nang sa gayon ay mairaos na lang nila ito.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

"So si Sarah Lahbati has been wanting to shoot pero never kami nagkaroon ng time to shoot together. So I called her, 'Busy ka ba tomorrow?' and she's like, 'I have meeting with my lawyer, bakit anong ganap?' Sabi ko, 'Do you wanna mag-shoot?' and I told her the story and yeah she's going to split na lang with me 'yong costs."

Naisipan ni BJ na tawagan si Sarah dahil nahihiya siya sa mga taong naabala para lang paghandaan ang sana'y photoshoot nila kay Denise.

"Nahihiya kasi ako sa mga taong naabala. 'Yong bayad na 'yon pa-thank you na lang sa kanila kasi for the time and effort. Everyone wanted you to look good and for that to happen sayang 'yong effort, Pero at least may nagawa pa rin kami."

Ang mas nakasasama pa raw ng loob, hindi man lang daw nag-sorry ang kampo ni Denise Julia tungkol dito. Wala raw siyang narinig o nabasang sorry mula sa kaniya.

Narito ang ilan sa mga mababasang reaksiyon at komento ng netizens para kay Sarah. 

"Buti na lang at sinalo ni Sarah, good thing na rin."

"I wanna see photos of Sarah kung ano 'yon."

"Grabe, mabuti na lang nagamit dito ang pagiging waldas queen ni Sarah hahaha eme."

"Nice one Sarah!"

Matapos nga ang pasabog ni BJ ay inanunsyo ni Denise ang kaniyang social media hiatus at pagde-detoxify sa online world.

MAKI-BALITA: Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Denise tungkol sa isyu.