Kinakiligan ng mga netizen ang naging pahayag ng aktor na si Marco Gumabao patungkol sa relasyon nila ng girlfriend na si Cristine Reyes, kung saan malayo ang agwat ng edad nila.
Sa panayam sa kanilang dalawa ng ABS-CBN news anchor na si Karen Davila, sinariwa ni Marco kung paano sila nagka-developan ni Cristine.
Aniya, nang magkasama sila sa isang proyekto ay crush na niya noon pa man si Cristine at "ate" pa nga ang tawag sa kaniya. Mula sa pagiging mag-tropa ay hindi raw nila inasahang mahuhulog sila sa isa't isa.
Nang tanungin naman kung hindi ba naiintimidate si Marco kay Cristine dahil sa age gap, inamin ng aktor na may intimidation pa rin, pero para sa kaniya, kahit nasa 30s pa lang siya ay mature naman siya mag-isip at humandle ng relasyon.
Nasabi rin ni Cristine na mahaba raw ang pasensya ni Marco pagdating sa kaniya.
MAKI-BALITA: Marco Gumabao, sobrang haba ng pasensya kay Cristine Reyes