Tila nagkaroon ng bagong isyung pinagpiyestahan sa showbiz world ang mga netizen matapos itsika ng photographer na si BJ Pascual kung sino ang worst celebrity niyang nakatrabaho sa isang photoshoot.
Sa latest episode kasi ng podcast ni Killa Kush kamakailan, ikinuwento ni BJ ang stressful encounter niya kay Denise Julia.
Si BJ ay isang renowned celebrity photographer na siyang nasa likod ng matatagumpay na photoshoots sa mga proyekto ng sikat na celebrities ng bansa.
"In the beginning, they wanted someone to shoot her lang parang to change her image. Level up daw, ganyan. Girl, favorite ko 'yang mga ganyan, 'yong mga ime-makeover, ganyan," lahad ni BJ.
Pero ilang buwan ang nakalipas, tumawag daw ang team ni Denise kay BJ. Inabisuhan siyang may bagong album ang singer at gustong siya ang kumuha ng album cover nito.
Pumayag naman si BJ dahil naghahanap daw siya talaga nang bagong gagawin bilang photographer. Nagboluntaryo pa nga raw siyang gumawa ng music video dahil hindi pa siya nakakagawa nito.
Binanggit ni BJ na bagama’t test shoot lang daw ang gagawin para kay Denise, ginastusan pa rin daw nila ito.
“We really cash out. Kasi if you want that quality, you want to level up, it comes to the price,” aniya.
Kaya naman, niyaya ni BJ ang kaniyang mga kaibigan para sa project na ito sa kabila ng mga hindi magagandang naririnig niya tungkol kay Denise.
In fact, maski raw sina Princess Barretto—na ayon mismo kay BJ ay top set sa TV production commercial— at Lyn Alumno—na sobrang abalang stylist—-pinasama niya pareho.
"Ang babayaran na lang nila is manpower and materials,” sabi ni BJ. “There is no talent fee. This is charity work na."
Ngunit sa kaorasan na raw—kung kailan handa na ang lahat—pina-cancel ng team ni Denise ang shoot.
Ayon kay BJ, “The reason was nag-flake daw 'yong hairstylist nila."
“Ayaw nilang ituloy. Ayaw magbayad,” pagpapatuloy ni BJ. “I was so stressed because I was shooting until 10 or 11 pm that night for another thing."
Buti na lang daw, nang tawagan nila ang aktres na si Sarah Lahbati para i-arrange ang shoot, pumayag ang aktres na humati sa gastos para rito.
Pero malamang sa malamang, nang masagap mo ang tungkol sa tsikang ito, napatanong ka rin tulad ng komedyanteng si John Lapus kung sino nga ba si Denise?
Ani John sa kaniyang X post, “mga anak sino si Denise Julia?”
Si Denise, 21-anyos, ay isa sa mga sumisibol na Filipina R&B singer. Naiposisyon niya kamakailan ang sarili bilang ikatlo sa Top 30 OPM Female Artists sa Spotify. Para sa kaniyang fans, siya raw ang “Patron Saint of Situationships,” ayon sa artikulo ng Artplus.ph.
Ilan sa mga kanta niya ay ang mga sumusunod: “Sugar n’ Spice,” “Twin Flames,” “Lackin,” “Butterflies,” “NVMD,” at noong Nobyembre, inilabas niya ang “Sweet Nothings” kasama si R&B King Jay R.
Pero kung may big dream collaboration daw si Denise in the near future, ito ay ang American singer-rapper na si Doja Cat.
Hindi pa man tumatagal sa industriya, nagkaroon na agad siya ng first-solo concert noon lang Disyembre 14 sa New Frontier Theater.
Sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 20, pinasalamatan niya ang kaniyang fans na tinupad ang kaniyang pangarap.
Ayon sa kaniya, “This concert was more than a performance—it was a fight to get my life back. I couldn’t have done it without the people who carried me through. Thank u for believing in me when I couldn’t believe in myself.”
Sa kasalukuyan, naka-social media break si Denise base sa kaniyang huling Instagram story. Ito ay matapos isiwalat ni BJ ang encounter nito sa kaniya. Wala pa rin siyang pahayag o reaksiyon hinggil sa mga sinabi ng photographer tungkol sa kaniya.
MAKI-BALITA: Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual