December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia
Photo courtesy: BJ Pascual, Kristine Hermosa (IG) via Balita

Na-curious ang mga netizen sa naging pahayag ng renowned celebrity photographer na si BJ Pascual patungkol sa dating Kapamilya star na si Kristine Hermosa, na isa sa mga itinuturing na may pinakamagandang mukha sa balat ng showbizlandia.

Nabanggit ni BJ si Kristine sa podcast ni Killa Kush noong Biyernes, Disyembre 20, 2024, nang matanong siya kung sino ang "worst celebrity/model to shoot" batay sa kaniyang karanasan.

"I'm very candid about this like the worst person I shoot before was Kristine Hermosa," walang kagatol-gatol na sabi ni BJ.

"But now, this is the very recent, ito na 'yong bago kong worst. Kasi Kristine Hermosa is an angel now," dagdag pa ni BJ sabay banggit nga kay Denise Julia.

Tsika at Intriga

Gigi De Lana banned sa ABS-CBN, GMA?

Batay kasi sa kuwento ni BJ ay nag-last minute cancellation ang team ni Denise sa kanilang nakatakdang photoshoot para sa cover photo ng ilalabas na album ng singer.

Tumanggi raw ang kampo ng singer nang singilin nila dahil sa pagkansela ng proyekto, lalo't planado na ang lahat.

Mabuti na lamang daw at to the rescue si Sarah Lahbati, matapos makumbinsi ni BJ na siya na lang ang mag-shoot, dahil matagal na raw sana nilang plano, kaya lang ay hindi swak ang mga schedule nila. Pumayag din si Sarah na mag-split na lang sila ni BJ sa bayad, para nang sa gayon ay mairaos na lang nila ito.

Ang mas nakasasama pa raw ng loob, hindi man lang daw nag-sorry ang kampo ni Denise Julia tungkol dito.

Kaya naman, muling binalikan ng mga netizen ang TikTok video ni BJ kung saan dito niya idinetalye kung bakit "worst experience" niya noon ang ngayo'y misis na ni Oyo Sotto.

Sa isang shoot daw ng isang lifestyle magazine sa ilalim ng ABS-CBN noong 2009 kung saan sumisibol pa lamang sa larangan ng photography si BJ, ay hindi naman daw na-late si Kristine sa call time nitong 1PM, subalit talagang namili raw siya ng nais niyang outfit dahil hindi niya bet ang mga nakahandang outfit para sa kanila mula sa isang brand. Bukod doon, nagpa-massage, nagpa-manicure at nagpa-pedicure pa raw ang aktres kahit na half body lang naman daw ang kukunan.

Ngunit nang bumaba na raw ito para sa shooting ay hindi na nagreklamo si BJ dahil talaga namang parang dyosa sa kagandahan si Kristine, kaya kahit nakaka-ilang shots pa lang ay solve na siya sa resulta.

Pero sinabi raw ng creative director na kuhanan pa si Kristine kaya sumunod naman si BJ. Matapos daw ang 20 shots

Hindi inasahan ni BJ nang magsalita na si Kristine at sabihan daw siyang "Ilang pictures pa ba? Overtime na kasi ako eh."

Nanginig daw si BJ nang sabihan siya ng aktres nang ganoon dahil bagito pa nga lang daw siya at hindi pa niya nakatrabaho before si Tin.

Para kay BJ, isa sa mga memorable covers na nagawa niya ay ang nabanggit na cover photo para sa magazine.

Photo courtesy: Metro Magazine

Napag-usapan naman ang isyu sa social media platform na "Reddit."

Nagkomento ang isang netizen sa TikTok video ni BJ na inupload niya roon. 

"I don’t think it’s fair for KH na masabihan na ate chona/rude dahil wala naman akong nakikitang pag aattitude sa pag ask nya kung matagal pa ba. Even bj himself mentioned here na ok na ung mga shots na kinuha nya, it was yung creative director fault na hindi ininform si KH na mag eextend sila time," aniya. 

Narito ang iba pang reaksiyon at komento. 

"Mas naniniwala talaga ako sa mga mismong nakakasalamuha ng mga artista, na magsabi na ganito si ganyan. Kesa sa mga fans na todo protekta sa mga idol nila. Example itong si Bj Pascual, ano mapapala nya kung paninira lang yan?"

"mismo. saka bj has always been honest about his experiences as a creative in the industry. di lang naman mga negative experiences sinasabi niya. pag meron siyang nakatrabaho na mga polite and cooperative na celebrities, pinupuri niya rin."

"There are so many stories from different people affirming this issue. However, most people downplay it kasi 'goddess naman sya.' Pretty privilege kumbaga. Lol."

"idk how old are you but Pangako Sayo days pa lang may Ate Chona rumors na si Kristine Hermosa. She’s a goddess tho, let’s give her that. Basta Mr. M babies, problematic."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kristine tungkol sa isyu.

KAUGNAY NA BALITA: Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual