December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!
Photo Courtesy: Marjorie Barretto, Gerald Anderson (IG)

Ibinahagi ni “Hold Me Close” star Julia Barretto kung paano itinatrato ng kaniyang inag si Marjorie Barretto ang jowa niyang si Gerald Anderson.

Sa latest episode ng “BRGY” kamakailan, nausisa ni Kapamilya TV host Bianca Gonzalez kung si Marjorie ba ang nagkukusang magyaya kay Gerald kapag may gala ang pamilya Barretto.

“Yes,” saad ni Julia. “I love how much mom loves Ge. Like, I really appreciate it.”

Sey tuloy ni Bianca, “That says a lot, ha. When your mom has a seal of approval, that really says a lot.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, tila hindi naman makapaniwala si Bianca nang isiwalat ni Julia na si Gerald ang nagsisilbing travel planner tuwing nagta-travel ang mga ito.

“Sorry, not to judge Gerald, but hindi siya mukhang ‘yong travel planner type,” natatawang sabi ni Bianca.

Matatandaang noong Oktubre ay ibinahagi ng celebrity couple ang serye ng kanilang mga larawan na kuha sa El Nido, Palawan.

MAKI-BALITA: Julia Barretto, Gerald Anderson sinulit ang isa't isa sa El Nido

Sa kasalukuyan, going strong ang relasyon nina Julia at Gerald. Kaya naman hindi nakapagtatakang lumutang ang tsikang kasal na umano ang dalawa.

Pero pinabulaanan ito ng aktor dahil hindi naman daw niya itatago ang gano’ng bagay.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, walang balak itago kasal nila ni Julia Barretto