Nagbigay raw ng reaksiyon ang aktor na si Cesar Montano tungkol sa relationship status ng ex-wife nitong si Sunshine Cruz.
Kinumpirma kamakailan ng negosyanteng si Atong Ang ang relasyon niya sa aktres matapos lumutang ang video ng mabilisang halik nila.
Sa isang episode ng showbiz-oriented vlog na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” kamakailan, iniulat ni showbiz insider Jobert Sucaldito ang nasagap niyang pahayag ni Cesar sa isang pahayagan.
“Sinabi ni Cesar Montano, natutuwa raw siya kay Atong Ang for being man enough, para tanggapin, aminin na sila na ni Sunshine," saad ni Jobert.
Dagdag pa raw ng aktor, hangad daw nito ang kaligayahan nina Sunshine at Atong. Gayundin ang para sa tatlo nilang anak ni Sunshine na tiyak na masaya rin daw sa relasyon nito.
Matatandaang ikinasal sina Cesar at Sunshine noong 2000 ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon kalaunan matapos i-file ng huli ang kanilang annulment.
MAKI-BALITA: Kaya may pahalik! Atong Ang, kinumpirmang jowa na si Sunshine Cruz