Inamin ng aktor at kakandidatong representative ng 4th District ng Camarines Sur na si Marco Gumabao na sobrang haba raw ng pasensya niya sa kaniyang partner na si Cristine Reyes.
Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, nausisa si Cristine kung pumapasok ba sa isip niya na baka sa una lang mabait si Marco dahil ang mundo ng showbiz ay balot ng tukso.
“Naisip ko ‘yon lagi. Hindi lang minsan. Palagi ko ‘yong naiisip. And si Marco…mahaba ba ang pasensya mo sa akin?” saad ni Cristine sabay baling sa jowa.
“Sobra,” sagot nito.
“Kasi bawat galaw nito, ‘ano ‘yan? Sino ‘yan? May gano’n talaga ako. Hindi ko maiwasan. Pero hindi naman sinasabi na this will be forever na palagi ko namang sisitahin or ganyan. Siguro it’s a process also with me to trust,” paliwanag pa ni Cristine.
Ayon naman kay Marco, “selosa siya pero nasa lugar naman ‘yong pagseselos niya. And at the same time, alam ko naman na she came from a broken marriage, kung anoman ang nagawa ng ex niya sa kaniya, siyempre alam ko.”
Kaya bago pa man daw siya pumasok sa relasyon nila ni Cristine, alam na raw niya ang mga dapat hindi niya dapat gawin.
Matatandaang tinadtad si Marco ng tanong noong Agosto kung sila pa raw ba ni Cristine matapos mapansing wala ang huli sa birthday celebration nito.
MAKI-BALITA; Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes
Lalong lumakas ang hinala nila nang mag-deactivate si Cristine ng kaniyang Instagram account. Pero sa isang panayam, pinabulaanan ng kaniyang kapatid na si Ara Mina ang tungkol sa naturang isyu ng hiwalayan.
MAKI-BALITA: Ara Mina, nagsalita sa tsikang hiwalay na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao
Ilang araw makalipas ito, tuluyan nang nalusaw ang naturang intriga matapos ibahagi ni Cristine ang sweet photos nila ni Marco sa kaniyang Instagram account.
MAKI-BALITA: 'Sila pa naman:' Cristine, Marco pinakaba lang ang netizens