March 08, 2026

Home SHOWBIZ

ABS-CBN, todo-pasasalamat sa pagpapatuloy ng 'It's Showtime' sa GMA

ABS-CBN, todo-pasasalamat sa pagpapatuloy ng 'It's Showtime' sa GMA
Photo Courtesy: ABS-CBN, It's Showtime, GMA (FB)

Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN matapos makumpirma ang patuloy na pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA Network hanggang 2025.

MAKI-BALITA: 'It's Showtime,' tuloy ang ere sa GMA sa 2025

Sa Facebook post ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 20, masaya nilang ibinalita sa mga tagasubaybay ng naturang noontime show ang pagpapatuloy nito.

"Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN at ang pamilya ng 'It's Showtime' sa GMA para sa kanilang patuloy na tiwala at suporta," saad ng ABS-CBN.

Dagdag pa nila, “Patuloy kaming maghahatid ng inspirasyon at saya sa aming mga manonood.”

Tsika at Intriga

Wala raw kadala-dala! Ai Ai Delas Alas, nagsalita sa isyung engaged na naman siya

Matatandaang lumabas sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Nobyembre na hanggang Disyembre na lang umano ang pag-ere ng “Showtime” dahil mapapalitan na ito ng countdown variety show na “TiktoClock.”

MAKI-BALITA: It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Pero naapula rin naman ang intrigang ito nang sabihin ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez na pinoproseso na raw ang renewal ng naturang noontime show sa GMA.

MAKI-BALITA: Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!