January 22, 2025

Home BALITA National

PBBM, inanunsyo libreng sakay sa LRT-1, 2 at MRT-3 sa Disyembre 20

PBBM, inanunsyo libreng sakay sa LRT-1, 2 at MRT-3 sa Disyembre 20
Photo courtesy: Bongbong Marcos, Photo courtesy: Light Rail Transit, Light Rail Transit 2, MRT 3/Facebook

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT 1 & 2) at Metro Rail Transit (MRT) 3 sa darating na Biyernes, Disyembre 20, 2024. 

Sa inilabas na anunsyo ng Pangulo sa kaniyang social media accounts nitong Huwebes, Disyembre 19, sinabi niyang layon daw ng nasabing libreng sakay na maibsan ang gastos ng mga Pilipino habang naghahanda raw sa Pasko. 

“Ikinagagalak kong ipabatid sa ating mga mananakay na libre ang sakay sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 bukas, Disyembre 20, 2024,” ani PBBM.

Dagdag pa niya: “Tinatayang aabot sa 1.1 milyong pasahero ang sasakay sa mga linyang ito—ang pinakamataas na ridership na naitala ngayong taon.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Hiling din ni PBBM na magdulot ito ng kaginhawaan sa commuters at maramdaman daw nila ang malasakit na nagmumula sa pamahalaan. 

“Ang inisyatibong ito ay isang simpleng paraan upang maibsan ang gastos ng ating mga kababayang abala sa paghahanda para sa Pasko. Nawa’y magdulot ito ng ginhawa at maramdaman ng lahat ang malasakit ng pamahalaan ngayong kapaskuhan,” anang Pangulo. 

BASAHIN: ALAMIN: Holiday schedule sa ilang public transportation sa Metro Manila