Usap-usapan ng mga netizen ang tila inilabas na tsikang blind item ng social media personality at tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza, kaugnay sa isyu na na naman ng mga pinag-uusapang "screenshots," na this time, ang hinihinalang "kabit" naman ang nagsiwalat.
Mababasa sa Facebook post ni Gaza nitong Huwebes, Disyembre 19, "Matagal na palang alam ni wife. Need lang ilihim kasi masisira yung branding nila sa social media. Hindi na siya pinahirapan. Yung kabit na mismo ang nag-post ng screenshots."
Sa comment section ng kaniyang post ay may pahabol pa siyang mga hirit.
"mga pambihirang pagkakataon kumbaga sa luto ng steak 'rare.'"
"inlababo ang lolo mo sa chararat jusko," aniya pa.
Bago ang post na ito, nag-post pa si Xian na aniya ay legit at kumpirmado raw ang mga kumalat na screenshots na muling pinutakti ng mga netizen sa social media.
Hindi naman tinukoy ni Gaza kung sino ang pinatutungkulan ng kaniyang makahulugang posts, subalit naging mabilis ang mga netizen sa pagkonekta nito sa isyung umiikot ngayon patungkol kay Philip Laude, negosyanteng mister ng socialite-vlogger na si Small Laude, matapos pag-usapan ang mga screenshots na inexpose ng isang nagngangalang "Precious Larra Su," na nagpapakita ng mga umano'y sweet conversation nila ng mister ni Small.
MAKI-BALITA: Hagip sa vlog! Umano’y mistress ni Philip Laude, nakahalubilo na noon pa ng misis na si Small?
Nagpatibay rito ang previous Facebook post ni Gaza noong Miyerkules, Disyembre 18, kung saan nabanggit niya mismo ang pangalan ni Small Laude, at ang bunsong anak nila ni Philip na si Allison Laude.
Mababasa, "I don't care kung totoo man o hindi yang kumakalat na tsismis na may K yung asawa ni Small Laude. Basta hangga't hindi involved yung crush ko, si Allison, hindi ako sasawsaw. Kapag may nanakit na lalaki kay Allison Laude, doon lang ako magla-Live."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Philip at Small Laude tungkol sa mga kumakalat na intriga patungkol sa kanilang dalawa. Bukas ang Balita sa kanilang panig.