Kinaaliwan ng mga netizen ang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta matapos niyang ibahagi ang ilang throwback photos ng kaniyang mga dating karelasyon.
Makikita sa kaniyang post ang mga larawan nila nina Sen. Robin Padilla at Ormoc City Rep. Richard Gomez. Aniya, ang mga nabanggit na ex-jowa niya ay "ampopogi" at "astig."
"Just saw these! OMG Twilight Zone! Ampopogi at astig ng mga ex ko at yung isa Senador na, yung isa naging Mayor na and now Congressman! Kakatuwa naman. Wala lang ang sarap lang makita ng nakasmile ka! Happy for them! " saad ni Sharon sa kaniyang caption.
Ngunit sa kanilang lahat daw, ang nanalo sa puso niya ay ex-boyfriend na si Atty. Kiko Pangilinan, na asawa na niya ngayon.
"PERO - si Kiko ang nanalo! Sa puso at buhay ko!!! Happy kami!," hirit pa ni Mega.
Matapos nito ay may pahabol pang komento si Sharon.
"O nagkakatuwaan lang tayo dito children okay? Natatawa ko sa comments nyo nabuang na kayooo! chill lang hapi hapi lang tayo wah dibdibin o lagyan ng meaniiiing!," aniya.