Pinuri ng aktres na si Desiree Del Valle ang mga co-star niyang sina Kokoy De Santos at Miguel Tanfelix sa upcoming primetime series na “Batang Riles.”
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Disyembre 17, sinabi ni Desiree na nagkaroon daw siya ng pagkakataong makilala sa acting workshop ng dalawa.
Ayon sa kaniya, "These boys, I actually was able to have the opportunity to get to know them during workshop with Direk Laurice Guillen and I know that they're very hungry and they really wanna do good."
Kaya naman nagsisikap daw siyang gampanan din nang mabuti ang karakter niya bilang kontrabida dahil sa ipinapamalas nina Kokoy at Miguel.
“They’re also inspiring me to do a better job as kontrabida. "I see them, they really work hard, hindi 'yong 'a, kaya na 'yan, kaya na 'yan.' They're really doing their best and giving GMA a very good show this coming year," saad ni Desiree.
Matatandaang kamakailan lang ay inilabas na ng GMA Network ang pinakabagong teaser ng “Batang Riles” na makakatapat ng “FPJ’s Batang Quiapo” ni Kapamilya Primetime King Coco Martin.
MAKI-BALITA: Sinong 'bata' ang mas matapang? Mga Batang Riles, tatapatan Batang Quiapo?