December 23, 2024

Home BALITA National

3 weather systems, patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

3 weather systems, patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng PH
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Disyembre 19, dulot ng low pressure area (LPA),  northeast monsoon o amihan, at shear line, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas at Caraga dulot ng LPA (dating bagyong Querubin) na huling namataan 275 kilometro ang layo sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Inaasahan ding magdadala ang trough ng LPA ng maulap na kalangitan at mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Malaki naman ang tsansang magdulot ang sehar line, o ang linya kung saan nagsasalubong ang mainit at malamig na hangin, ng maulap na kalangitan na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region at Quezon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Pinag-iingat ang mga residente sa mga lugar dito dahil sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang magdudulot ang malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains ang inaasahang idudulot ng amihan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon.

Wala namang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan sa naturang mga lugar kung saan umiiral ang amihan, ayon sa PAGASA.