January 22, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Paolo Contis, 'di kinaya ang sampal noon ni Desiree Del Valle

Paolo Contis, 'di kinaya ang sampal noon ni Desiree Del Valle
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Paolo Contis (IG)

Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang pananampal na ginawa niya noon sa “Tabing Ilog” co-star at ex-boyfriend niyang si Paolo Contis.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Disyembre 17, sinabi ni Desiree na hindi raw kinaya ni Paolo ang natanggap nitong sampal mula sa kaniya.

“There was actually a scene that we were fighting as Corrinne and Badong, so I slapped him. And sobrang sakit, nagpa-cut siya. Sabi niya, ‘cut, cut!’ kasi sobrang sakit ng sampal. Hindi niya kinaya,” saad ng aktres.

“Tinotohanan mo?” natatawang tanong ni Boy.

Teleserye

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis

“Oo,” sagot ni Desiree, “kasi magkagalit kami, e.”

Matatandaang isa si Desiree sa mga naging babae sa buhay ni Paolo. In fact, naging magka-loveteam pa nga silang dalawa noon. 

Pero sa kasalukuyan, may kaniya-kaniya na silang buhay. Si Desiree ay kasal na sa aktor na si Boom Labrusca at may isa na silang anak. 

Samantala, si Paolo naman ay single matapos niyang aminin sa isang episode ng “Fast Talk” noong Nobyembre ang relationship status niya.

MAKI-BALITA: 'Anyare?' Paolo Contis, single na ulit