December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Marian sa kaniyang 'Unfaithful' meme: 'Sobrang puyat ako no'n!'

Marian sa kaniyang 'Unfaithful' meme: 'Sobrang puyat ako no'n!'
Photo Courtesy: Dingdong Dantes (FB), Screenshot from Karl Flores (FB)

Aware pala ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa isa sa mga lumulutang na meme tungkol sa kaniya.

Sa ulat ng GMA Entertainment nitong Martes, Disyembre 17, nagkaroon daw ng Q and A portion sa ginanap na DongYan Christmas party kamakailan kasama ang kanilang fans.

Isa sa random question na nabunot ni Marian mula sa fan na binasa ng mister niyang si Dingdong Dantes ay kung ano raw paboritong meme niya.

"Meme? Story of my life,” sagot ni Marian. “Bigyan n’yo ako ng chance, music please." 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Paliwanag ng aktres, "Tawang-tawa kasi ako doon. Galing ako ng taping noon, sobrang puyat ako no’n. Sabi ko, 'hindi ko alam itong kantang 'to, bahala na 'to.' Tuwing nakikita ko 'yon, natatawa ako sa sarili ko."

Pero nabawi naman daw ng anak niyang si Zia ang kakapusan niya pagdating sa pagkanta. Matatandaang kamakailan lang ay inihayag niya kung gaano siya ka-proud sa anak matapos niyang ibahagi ang pagtatanghal nito ng “Rise Up" ni Andray Day. 

Ang meme na tinutukoy ni Marian ay ang lumang video clip kung saan makikitang kinakanta niya ang “Unfaithful” ni American singer-songwriter Rihanna. 

Ito ay bahagi raw ng farewell event noon ng Kapuso show na Temptation of Wife kung saan isa si Marian sa mga bumida.