Ipinagmalaki ni Angelica Yulo ang walong gintong medalya ng anak na si Karl Jahrel Eldrew Yulo sa naganap na Hong Kong Artistic Gymnastics International Invitation Championships na ginanap kamakailan sa Hong Kong.
Shinare ni Mommy Angge ang isang congratulatory art card kung saan makikita ang larawan ng anak habang hawak-hawak ang kaniyang mga tropeo at makikitang nakasabit sa kaniya ang ilang mga medalya.
Gold medal ang nauwi ng anak para sa floor exercise, vault, parallel bars, horizontal bar, pommel horse, still rings, at individual all-around.
"Prayers granted. Medal sweep. Way to go," caption ni Angelica na may hashtags na #YULOsiblings, #TEAMyulo, at #ToGodBeAllTheGlory.
Bumaha rin naman ng pagbati sa kaniya at sa kaniyang anak, na mababasa sa comment section ng kaniyang post.
Congratulations, Karl Eldrew!