December 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Yasmien Kurdi, makikipagkita kay DepEd Sec. Sonny Angara dahil sa bullying

Yasmien Kurdi, makikipagkita kay DepEd Sec. Sonny Angara dahil sa bullying
Photo courtesy: Yasmien Kurdi (IG)/Sonny Angara (FB)

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi na makikipagkita siya kay Department of Education Secretary Sonny Angara sa darating na Huwebes, Disyembre 19, para pag-usapan ang tungkol sa isyu ng bullying sa paaralan.

Matatandaang kamakailan lamang ay inilabas ni Kurdi sa social media ang naranasang pambubully ng mga kaklase sa kaniyang panganay na anak na si Ayesha.

Sa kaniyang pahayag na ini-upload sa Instagram story, nagpasalamat ang aktres sa lahat ng mga netizen na nagbahagi ng kanilang mga kuwento ng karanasan ng pambubully, na nararanasan din ng iba pang mga pamilya noon at ngayon.

Kaya sabi ni Yasmien, didiretso na kaagad siya sa kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon para masolusyunan ang problema tungkol sa bullying.

Tsika at Intriga

Willie may sarili na raw 'Hawi Boys,' bawal makasabay sa elevator ng TV5?

"This Thursday, I'll be meeting with the Secretary of the Department of Education Sonny Angara to discuss potential solutions and strategies we can implement to address bullying in our schools," aniya.

Bitbit ni Yasmien hindi lamang ang tungkol sa pambubully sa kaniyang anak, kundi maging sa iba pang mga netizen na nagbahagi ng kuwento sa kaniya.

"Together, we can shine a light on this issue and empower our kids to stand strong. Let's fight bullying and protect our children!" pagwawakas ni Yasmien.

Photo courtesy: Screenshot from Yasmien Kurdi (IG)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, kumpirmasyon, o pahayag si Angara tungkol dito.