Nanawagan sa publiko ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) upang matunton ang lalaking nanakit sa isang pusa.
Sa Facebook post ng PAWS nitong Martes, Disyembre 16, ibinigay nila kung saan pwedeng umugnay kung sakali mang may makahanap sa lalaki.
“If you have any information—such as his name or address—please contact us immediately at: paws.org.ph/prosecution, paws.org.ph/contact, Email: [email protected],” saad sa caption.
Ayon pa sa post, “A video posted on Facebook today by the account ‘Bilo Bilo Biko’ has been circulating online, where this man recorded himself strangling a cat. PAWS is calling on concerned citizens who have seen or circulated the video to help us identify the man in question.”
Bukod dito, umapela rin sila sa mga may “firsthand knowledge” ng naturang insidente para tumulong sa paghahain ng reklamo.
Bilang NGO na limitado lang ang resources, hindi raw sapat na umasa lang sa mga larawan o video bilang ebidensiya.
Kaya panawagan nila, “Let’s take action together. Your information could make all the difference.”