Trending topic ngayon sa X si "Laida Magtalas," dahil sa bagong hair style ni BINI Sheena Catacutan.
Sa social media post ng BINI, makikita ang new hair style ni Sheena sa dinaluhan nilang year-end party ng isang brand.
Ayon sa netizens naging kamukha raw ni Sheena si "Laida Magtalas," karakter ng singer-actress na si Sarah Geronimo sa pelikula niyang "It Takes A Man and A Woman."
"Laida Magtalas version 2.0 ang atake ni bebe shee"
"This is Laida Magtalas version 2.0. Wiser. Braver. Stronger. Bolder. Fiercer"
"Sarah is that you??"
"SARAAAHHHHH G is that you?"
"it’s giving laida magtalas ver 2.0"
"This is not Sheena. This is Laida Magtalas 2.0"
"Laida Magtalas na di conservative version"
"Laida Magtalas talaga bias ko"
"KAHAWIG NIYA NA SI LAIDA MAGTALAS KAJDEOESBS"
"Whoa whoa whoaa LAIDA MAGTALAS nga"
Si Sheena Mae Catacutan—o mas kilala bilang Sheena—ang main dancer at sub-vocalist sa BINI. Siya rin ang pinakabata sa grupo. Ipinanganak siya noong Mayo 9, 2004.
BASAHIN: ‘Walo hanggang dulo:’ Sino-sino ang mga binibini ng BINI?