December 16, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Sinong 'bata' ang mas matapang? Mga Batang Riles, tatapatan Batang Quiapo?

Sinong 'bata' ang mas matapang? Mga Batang Riles, tatapatan Batang Quiapo?
Photo courtesy: GMA Network Online and ABS-CBN News/website

Inilabas na ng GMA Network ang pinakabagong teaser ng upcoming GMA Prime teleserye na “Mga Batang Riles.”

Tila puno ng bakbakan at aksyon ang nasabing teleserye ng GMA na nakatakdang iere sa Enero 2025 matapos nilang ibahagi sa kanilang opisyal na YouTube channel ang teaser nito, noong Sabado, Disyembre 14, 2024.

“Paparating na ang barkadahang handang makipagbardagulan! Abangan sina Miguel Tanfelix bilang Kidlat, Kokoy De Santos bilang Kulot, Bruce Roeland bilang Matos, Raheel Bhyria bilang Sig, Antonio Vinzon bilang Dagul, sa 'Mga Batang Riles,’ aarangkada na sa GMA Prime ngayong Enero 2025!” anang GMA sa caption.

Iikot ang kuwento ng Mga Batang Riles sa apat na binatilyong idinetine sa isang public juvenile center matapos masangkot sa krimeng hindi nila ginawa. Sa pagpapatuloy ng kanilang istorya, nakatakda raw nilang hanapin at panagutin ang tunay na may salarin upang linisin ang kanilang mga pangalan.

Teleserye

Sharon sa pagkikita nina Leni, PBBM: 'A step towards reconciliation!'

Kabilang ang “Mga Batang Riles” sa mga bagong GMA Prime teleserye na ikakasa ng nasabing media giant na tatapat sa time slot ng sikat na action series ng ABS-CBN na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan naman ni Coco Martin. 

Ayon sa kumakalat na schedule ng Mga Batang Riles, nakatakda raw itong ipalabas sa Enero 6, 2025 tuwing 8:50 ng gabi. Kasama ito sa mga nakakasang proyekto ng GMA network katulad ng nagbabalik na “Lolong Bayani ng Bayan,” na eere umano simula Enero 20 tuwing 8:00 ng gabi at “My Ilonggo Girl” na ipapalabas daw sa Enero 13 tuwing 9:35 ng gabi.

Sa darating na Pebrero 2025 ang ikalawang anibersaryo ng Batang Quiapo na siyang sasabayan ng tatlong pinakabagong teleserye ng GMA. Ito na kaya ang magpapatumba sa ratings ni Tanggol?