December 16, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Sharon sa pagkikita nina Leni, PBBM: 'A step towards reconciliation!'

Sharon sa pagkikita nina Leni, PBBM: 'A step towards reconciliation!'
Photo courtesy: via Sharon Cuneta (FB)/PCO via MB

Nagbigay ng reaksiyon at komento si Megastar Sharon Cuneta sa naging pagkikita nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at dating Pangalawang Pangulong Leni Robredo sa naganap na inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena noong Oktubre 17, 2024.

Sa kaniyang Instagram post, Linggo, Disyembre 15, ibinahagi ni Mega ang isang screenshot ng larawan nina Robredo at Marcos habang magka-shake hands, sa pagsisimula ng programa para sa pasinaya.

Makikita rin sa background sina dating senador Bam Aquino at tumatakbong senador na si Lone District ng City of Las Piñas Rep. at Deputy Speaker Camille Villar. 

Sina Robredo at Marcos, Jr. ay naging mahigpit na magkatunggali sa VP race noong 2016, at sa Presidential race noong 2022.

Teleserye

Sinong 'bata' ang mas matapang? Mga Batang Riles, tatapatan Batang Quiapo?

Saad naman ni Shawie sa kaniyang Instagram post, ito na raw ang panahon ng "reconciliation."

"A step towards reconciliation. Always proud of Mam Leni! Jusko nanalo na ang Pangulo noong eleksyon. Para sa ikauunlad ng bayan magkaisa na sana ang Pilipinas!" aniya.

Si Sharon ay misis ng dating senador na si Atty. Kiko Pangilinan, na naging running mate ni Robredo noong 2022.