Napa-react at napakomento ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales matapos ibida ng kaniyang "special someone" na si Janine Gutierrez, ang mga larawan niya bilang calendar girl ng isang liquor brand.
Ipinakilala na nga si Janine ng Asia Brewery Incorporated bilang kanilang bagong brand ambassador at calendar girl nila noong Disyembre 12.
Puring-puri naman ng mga netizen ang angking alindog ni Janine, na kahit nagpakita ng kaseksihan ay classy pa ring tingnan.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Yan! Ang totoong sexy!!!"
"Sexy classy. Love it!"
"She's so hot with class."
"Ay ito talaga! Natural ang katawan."
"Ito maganda i display kahit saan lakas maka sosyal aminin"
Pero sa dami ng mga nagkomentong celebrity at netizens, ang nakapukaw ng atensyon sa lahat ay komento ni Echo.
"Deleting my calendar app ," aniya.
Layag na layag naman ang kanilang tambalan, lalo na sa seryeng "Lavender Fields" na gumaganap sila bilang mag-asawa.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"langoy ka nlang dzadiiiiyyy"
"uy Echo wag na wag mo sayangin si Nini mag ala ako dadaan ako sa bubong mo"
" wag muna tong ishare sa iba kundi kami ang mg uuwi nyan charsana all nalang ibang kalalakihan sayo "
"Hayan na si Echo hahahaha."
Matatandaang inamin ni Jericho na nasa dating stage na sila ni Janine, na nagsimula matapos nilang magsama sa Lavender Fields.
MAKI-BALITA: 'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin