Ibinahagi ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa kaniyang Facebook account ang ilang mga larawan matapos siyang bumalandra bilang front cover ng dalawang magazine.
Ang champion skills kasi ni Caloy, ay binibitbit niya hanggang sa pag-awra niya para sa lifestyle magazine!
Makikita si Caloy sa nasabing magazine brand na naka-gymnastic mode pa habang nasa train, grocery store, office at isang bahay.
“Twice the Golden Boy” naman ang atake ng isa pang lifestyle magazine matapos ding gawing cover si Caloy.
Sa Facebook post ng nasabing magazine nitong Linggo, Disyembre 15, 2024, inihayag nila ang pagkakapili nila kay Caloy matapos ang matagumpay niyang Olympic stint sa 2024 Paris Olympics.
“The celebrated athlete talks about his road to gold in Paris, his plans for the LA Olympics, and how the love of his life came at the right time and at the right place in his life,” anang Stargate.
Matatandaang kamakailan lang ay ginawaran ng parangal si Caloy mula pa rin sa ilang magazine brand kung saan kinilala siya bilang “Athlete of the Year” at “Man at His Best.”
KAUGNAY NA BALITA: Chloe, ibinida si Carlos! Inspirasyon daw sa kabataan?