Kinumpirma ng non-showbiz husband ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes na inaasiko na raw ang divorce nilang mag-asawa.
Sa Instagram story umano ni Trevor kamakailan, sinabi niyang gusto raw niyang maisapinal na ang mga kinakailangan sa divorce upang makasama na niya ang anak na si Athena.
"You may be aware that divorce can be very devastating to the children but also to the parents. That said, my marriage has been a shit show and I am sorry for that," saad ni Trevor.
Dagdag pa niya, "All that matters to me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena.”
Matatandaang kamakailan lang ay kumalat ang screenhot ng mga convo ni Rufa at Trevor matapos itong ibahagi sa Instagram story ng huli.
MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto, in-expose ng non-showbiz husband?
Tila dobleng dagok ito para sa komedyana dahil hindi pa natatagalan simula nang silbihan siya ng warrant of arrest matapos masangkot sa isyu ng skincare company.
MAKI-BALITA: Rufa, nagsalita na; itinanggi ang kasong ibinibintang sa kaniya