Tila tapos na ang papel nina Ethan at Joy sa buhay nina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Sa panayam ng media matapos ang VIP screening ng “Hello, Love, Again” nitong Sabado, Disyembre 13, nagpaalam na sina Alden at Kathryn sa kani-kanilang karakter na ginampanan sa pelikula.
“This is Ethan Del Rosario,” saad ni Alden na sinegundahan ni Kathryn, “this is Joy Fabregas officially signing off.”
Pero ayon kay Kathryn, bagama’t natapos na raw ang pelikula, mananatili raw ang nabuong pagkakaibigan nila ni Alden.
“Magkikita-kita pa rin naman kami, you know, Direk Cathy, kami ni Tisoy, and all the cast as well. I think the film ended, yes. But the friendship will be there like what happened 5 years ago,” aniya.
Matatandaang idineklara noong Nobyembre 24 na ang “Hello, Love, Again” ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na naitala sa kasaysayan na kumita ng bilyon sa takilya.
MAKI-BALITA: 'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B