December 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Itsinika ni showbiz insider Ogie Diaz ang nakarating umano sa kaniyang dahilan kung bakit tila nagkaroon ng lakas ng loob si Kapamilya star Daniel Padilla na kausapin ang ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo sa loob ng dressing room.

MAKI-BALITA: 'May dalang flowers!' Daniel, pinasok si Kathryn sa dressing room?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Disyembre 12, sinabi ni Ogie na natunugan umano ni Daniel na wala pa raw ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa dressing room nito kaya pumasok ang aktor.

“Ang tsika pa nga, may nagtimbre kay Daniel na samantalahin ang chance na puntahan si Kathryn habang hindi pa raw dumarating si Mommy Min,” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

'May dalang flowers!' Daniel, pinasok si Kathryn sa dressing room?

Dagdag pa niya, “Kung sakali na totoo ito na nag-usap nga ang Kathryn at Daniel, magandang ano ‘yon, kahit hindi sila magkatuluyan, sana man lang maging civil sila o maging magkaibigan.”

Pero ayon sa showbiz insider, wala raw siyang ideya kung ano ba ang pinag-usapan ng ex-celebrity couple.

“Malay naman namin, wala naman kami doon. So, hindi natin alam kung ano ang pinag-usapan no’ng dalawa,” aniya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilababas na pahayag o reaksiyon sina Daniel at Kathryn upang kumpirmahin o pabulaanan ang naturang tsika.