Walang pakundangang pinangalanan ni Kapuso actor Jak Roberto kung sino ang artistang ayaw na niyang makatrabaho ulit sa isang proyekto.
Sa isang episode ng “Lutong Bahay” kamakailan, kinumbinse pa si Jak ng host ng programang si Mikee Quintos na ibe-bleep ang pangalan ng artistang babanggtin nito.
Ngunit sabi ng aktor, “Kahit di n’yo i-bleep. Grabe ‘to. Ayoko nang makatrabaho. Dala talaga…si Sanya [Lopez].”
“Kasi nagtatawanan kami ‘pag nakakatinginan kami. 'Di ba 'pag uma-acting kami e di seryoso 'yong eksena, hindi namin kaya,” natatawang paliwanag ni Jak.
Nangyari raw ang ganitong eksena noong ginagawa nila ang “Half Sisters.” Ayon kay Jak, nag-iiyakan na raw noon dalawang bida na sina Thea Tolentino at Barbie Forteza.
“Tapos nagkatinginan kami [ni Sanya]...wala na. Tapos after no’n, tumawa na kami nang tumawa,” lahad ni Jak.
Ngunit sa kabila nito, bukas pa rin naman daw ang Kapuso actor na makatrabaho sa ibang pagkakataon ang kaniyang kapatid.