Dumalo si First Lady Liza Araneta-Marcos at ilang senador sa VIP screening ng pelikulang "Hello, Love, Again" sa isang mall sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN nitong Biyernes, Disyembre 13, kabilang sa mga inimbatahang guest ang mga senador na sina Chiz Escudero, Pia Cayetano, Alan Peter Cayetano, at Grace Poe; Taguig City Mayor Lani Cayetano, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, CEO and president Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, ABS-CBN Films managing director Kris Gazmen at GMA executives na pinangungunahan ni senior vice president Atty. Annette Gozon-Valdes.
Present din sa naturang screening ang lead stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Ang "Hello, Love, Again" ang ang kauna-unahang pelikulang naitala sa kasaysayan na kumita ng 1 bilyong piso.
BASAHIN: 'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B